Wednesday, June 22, 2011

Easy Tutorial on How to Use YUGMA.com by Isabel Del Rosario

Monday, June 13, 2011

Pagpapatuloy

Gaya ng sabi ko, you can't say no sa trabaho dahil binabayaran ka kada oras sa serbisyo mo.
Madalas pa ay matetyempuhan ka ng amo mong kay lupit eh maha-hard time kapa sa kaunting pahinga. Pero karamihan sa mga kasama ay may liwanag din, may na po-promote kaagad dahil malakas man sa itaas o talagang masipag na pinapakita o ang talagang totoong pagtatrabahong parehas. Pag natyempo na nag-iba ang schedule eh maisisingit mo ang pag extra sa mga cabin steward/s, kahit buhat buhat mo ang mga mabibigat na supot ng twalya, damit o gamit sa loob ng kwarto eh mawawala pag nandyan na ang cash na $ na ibibigay nila. haay kaysarap naman pag laging ganon. Ang maiipapayo ku lang sa inyo, mag ipon at wag hayaan masira ng imahe sa pagtatrabaho and ang pinaka importante ang pagradarasal sa ITAAS.

Monday, June 6, 2011

Galley Cleaner

Gaano kahirap maging Galley Cleaner or Generally speaking "Tagahugas ng Plato".
Mahirap ang ganitong posisyon lalo na sa nag uumpisa sa pagbabarko. Madalas konti lang tulog at halos 16 oras kang babad sa tubig at sabon. Madalas din pag na-tyempuhan kang naka upo kahit pagod na eh sigurado may memo kana for warning. Sasabihin pa nila refusing to work while on duty. Haaaay minsan ba naisip nyo na mag landbase nalang at pagtyagaan ang 2 taon na paghihiwalay ng asawa? ako naisip ko narin na gawin yun pero kung iisipin mo "kaya ko ba?" lalo na matagal tagal yun at maliit lang ang kita. Maibalik ko nga pala sa pagiging Galley Cleaner, naranasan nyo naba na umiyak sa hirap ng trabaho habang naghuhugas ka ng plato? pasimple lang pero mahirap din yun...Marami akong karanasan sa mga kaibigan kong ganito ang posisyon yet di naman sila nabibigyan ng pagkakataon na ma promote man lang sa mas mataas na responsibilidad.Minsan bigla ka nalang huhugutin sa santanbak na plato, baso, kutsara't tinidor atbp. then maglilinis naman ng sahig ng kusina na pagkalaki laki...itutuloy

Unang Paglalakbay Ng Seaman


Dear Mr. Seaman,

Paano nga ba maging Seaman? Madali ba o Mahirap? Nako karamihan na yata ngayon ng mga propesyonal e gusto ng mag seaman sa hirap ng trabaho dito sa pilipinas.

Ngayon, gaano naman kalaki ang kikitain mo pag nag se-seaman kana? Not all naman e pag nag se-seaman eh malaki ang kinikita or simply saying easy money in the ship.

Maraming mga kwento ang ibabahagi ko sa inyo tungkol sa pag se-seaman. Tulad ng paano mag umpisa sa trabaho sa paghuhugas ng mga Plato. Naalala ko pa dati ang tamad tamad kong ipanghugas ng mga plato sa bahay then pagdating sa barko eh ibang tao...

Maganda o Panget, Madali o Mahirap at Masarap o  Mahirap?


Lahat yan ay maiku-kwento ko sa blog na ito.


Until my next post


Ciao