Gaano kahirap maging Galley Cleaner or Generally speaking "Tagahugas ng Plato".
Mahirap ang ganitong posisyon lalo na sa nag uumpisa sa pagbabarko. Madalas konti lang tulog at halos 16 oras kang babad sa tubig at sabon. Madalas din pag na-tyempuhan kang naka upo kahit pagod na eh sigurado may memo kana for warning. Sasabihin pa nila refusing to work while on duty. Haaaay minsan ba naisip nyo na mag landbase nalang at pagtyagaan ang 2 taon na paghihiwalay ng asawa? ako naisip ko narin na gawin yun pero kung iisipin mo "kaya ko ba?" lalo na matagal tagal yun at maliit lang ang kita. Maibalik ko nga pala sa pagiging Galley Cleaner, naranasan nyo naba na umiyak sa hirap ng trabaho habang naghuhugas ka ng plato? pasimple lang pero mahirap din yun...Marami akong karanasan sa mga kaibigan kong ganito ang posisyon yet di naman sila nabibigyan ng pagkakataon na ma promote man lang sa mas mataas na responsibilidad.Minsan bigla ka nalang huhugutin sa santanbak na plato, baso, kutsara't tinidor atbp. then maglilinis naman ng sahig ng kusina na pagkalaki laki...itutuloy
mahirap talagang maging galley cleaner, ganyan din ang trabaho ng bayaw q at sa sobrang hirap payat siyang umuuwi ng pinas, kaso mas mahirap kung tambay k ng pinas, anu b ang mas gusto mo ang maging tambay n walang ipapakain sa pamilya o maging galley cleaner n sobrang hirap pero natitiis para sa pamilya...tiyaga lang ang kailangan ng isang tao para makasurvive...
ReplyDelete